
Hindi naitago ng anak ng Pinay Broadway superstar na si Lea Salonga ang pagiging certified fan nito nang makilala nang personal ang isa sa mga bituin ng Marvel movie na ‘Black Panther.’
Makikita sa Instagram video ni Lea ang pagkikita ng baby girl niya na si Nicole at si Angela Bassett na gumanap na Queen Mother of Wakanda.
Umabot na sa mahigit 275,000 views ang naturang video.
“So THIS happened tonight after the show!!! My daughter knelt to Wakanda’s Queen Mother!!! Thank you for your kindness, @im.angelabassett!!! We were so honored by your presence!!! #WakandaForever”
Marami namang celebrities ang natuwa sa ginawa ni Nicole sa harap ng Hollywood actress.