
Nakakabilib ayon kay Tekla ang pagiging propesyunal ng kaniyang Inday Will Always Love You co-star na si Juancho Trivino sa kabila nang inabot nitong katakot-takot na pamba-bash online.
MUST-READ: Juancho Trivino, binasag ang katahimikan kung sila ba ni Maine Mendoza
Matatandaan na ilang ulit na na-link si Juancho sa Dubsmash Queen of the Philippines na si Maine Mendoza at hindi ito nagustuhan ng mga fans lalo na ng AlDub.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Super Tekla sa ginanap na media conference ng pinakabago nilang primetime show, nagkuwento ito kung kamusta si Juancho noong panahon na maraming nagba-bash sa kaniya.
Sabi ni Tekla, “During that time hindi naopen-up ni Juancho [Trivino], wala kasi pagdating sa set automatic na ‘yan nasa tent na kami memorize na ng script, kasi mostly iniiwasan namin ‘yung magda-drag sa show, dragging ‘yung taping. So walang time sa ganung isyu hindi [na nabring-up]”.
Dagdag niya, “Si Juancho naman parang propesyunal, hindi ko nga makitaan sa kaniya na naepekto siya, normal talaga siya”.
Looking forward na din ang Kapuso comedian na mapanood ng mga manonood ang Inday Will Always Love You na magpapakita sa tinatagong yaman ng Cebu.
Saad niya, “Sobrang excited kami. ‘Yung hirap, puyat, pagod, at tsaka sacrifice nagbunga. And I hope na kasi naghirap kami lahat dito, talagang yayakapin ito ng mga Kapuso natin”.
“Ang teleseryeng ito talagang maipapakita natin na ang Cebu dito n’yo makikita kung gaano kaganda, paraiso ang Cebu. May natatagong paraiso pala ang Cebu na doon ko na-experience at na-appreciate during the taping. Kasi halos, lahat ng famous landmark sa Cebu talagang shinoot [doon] ‘yung Inday Will Always Love You”.