What's on TV

Alden Richards, bibida sa telefantasya sa pagbabalik niya sa primetime

By Marah Ruiz
Published May 25, 2018 8:06 PM PHT
Updated July 16, 2018 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Kapupulutan ng aral at inspirasyon ang bagong karakter ni Alden Richards na si Victor Magtanggol.

 

Balik primetime si Kapuso actor Alden Richards sa upcoming GMA Telebabad telefantasya na Victor Magtanggol. 

Ipinakilala naman ng Pambansang Bae ang bagong karakter na gagampanan niya. 

"Si Victor Magtanggol ay isang simpleng tao na nagbigyan ng ekstraordinaryong misyon sa buhay na masusukat ang lahat sa buhay niya—pagsubok sa pamilya, pagsubok bilang kapatid, pagsubok bilang kaibigan, lahat!" paglalarawan niya sa kanyang panayam sa 24 Oras.

Kapupulutan din daw ng aral ang kanyang upcoming show.

"'Yung mensahe na dini-deliver noong project na 'to sa mga manonood is kailangan napapanahon, kapupulutan ng inspirasyon at magiging aspirational," paliwanag niya.

Bukod dito, marami daw ang makaka-relate hindi lang sa role niya bilang Victor, kundi pati sa mismong kuwento ng serye.

"Noong binigay kasi sa 'kin 'tong Victor Magtanggol and then dinescribe 'yung character niya, ang lakas noong connection sa mga Pilipino. 'Yung mga Pilipino na may prinsipyo, 'yung 'pag binigyan mo or inatasan mong gawin ang isang bagay, paninindigan nila.

"Gusto natin na kapag pinanood ng mga Kapuso natin si Victor Magtanggol sa telebisyon, makikita nila 'yung mga sarili nila," pagtatapos niya.

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.