What's on TV

WATCH: Janine Gutierrez at Andrea Torres, mapapasabak din sa fight scenes sa 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz
Published July 11, 2018 10:06 AM PHT
Updated July 16, 2018 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkuwento ang Kapuso beauties na sina Janine Gutierrez at Andrea Torres tungkol sa kanilang magiging role sa upcoming telefantasya series na 'Victor Magtanggol.' Silipin 'yan dito.

Pasok ang Kapuso beauties na sina Janine Gutierrez at Andrea Torres sa upcoming telefantasya series na Victor Magtanggol.

Gaganap si Janine bilang si Gwen Regalado, isang field reporter kaya kabilang sa paghahanda niya sa role ang pagpanood at pag-obserba sa mga field reporters ng GMA. 

Bukod dito, nag-training din siya sa Parkour dahil mapapasama din siya sa mga malalaking action scenes.

"Pangarap ko din kasi na makapag-action na eksena. Para lang panigurado, siyempre makakasama pa rin ako dahil malaki 'yung mga eksena ng show eh. Lahat ng tao madadamay sa malalaking gulo, mga action scenes," kuwento niya. 

Diyosa naman ang gaganapan ni Andrea—si Sif na gagabay kay Victor. Tulad ni Janine, mapapasabak din si Andrea sa mga actions scenes kaya nag-training din ito sa Parkour.

"'Yung mga pamilya, mage-enjoy silang panoorin siya habang kumakain sila. 'Yung ganoon, pang-bonding talaga. Lahat makaka-relate," aniya. 

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras: