
Pumutok ang balita ngayong Huwebes ng umaga (July 12) na nasangkot ang Gilas shooting guard na si Terrence Romeo sa isang gulo sa isang bar sa Quezon City.
#GilasRambol: Things You didn't know about the 9 ejected Gilas Pilipinas players
Base sa ulat ng DZBB Super Radyo sa Twitter nasangkot sa isang malaking away ang grupo ni Terrence matapos magpa-picture ang isang fan sa kaniya sa isang bar sa Tomas Morato Avenue.
“Grupo ni Gilas player Terrence Romeo, nasangkot sa gulo matapos magpa-picture ang isang fan sa isang bar sa Tomas Morato Avenue, Quezon City”
FLASH: Grupo ni Gilas player Terrence Romeo, nasangkot sa gulo matapos magpa-picture ang isang fan sa isang bar sa Tomas Morato Avenue, Quezon City. | via @allangatus pic.twitter.com/OlGYjo2jaj
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 11, 2018
Nakaalis naman ang Gilas stars at kaniyang mga kasama sa Quezon City Police District Station 10, pero patuloy pa rin ayon sa mga awtoridad ang imbestigasyon sa mga nangyari.
“Terrence Romeo, pinayagang makaalis sa QCPD Station 10 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa gulong kinasangkutan ng naturang Gilas player at grupo nito sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.”
UPDATE: Terrence Romeo, pinayagang makaalis sa QCPD Station 10 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa gulong kinasangkutan ng naturang Gilas player at grupo nito sa Tomas Morato Avenue, Quezon City. | via @allangatus pic.twitter.com/F4zwZg1E1X
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 11, 2018
May kuha din ang DZBB Super Radyo sa mga tagpo sa kinasangkutang away ni Terrence Romeo sa isang bar sa Quezon City.
WATCH: Ilang tagpo matapos ang gulo na kinasangkutan ng grupo ni Gilas player Terrence Romeo at isa pang grupo kabilang ang kanyang fan sa Tomas Morato Avenue, Quezon City. | via @allangatus pic.twitter.com/9I41oceqI5
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 11, 2018
ICYMI: Grupo ng Gilas Player na si Terrence Romeo nasangkot sa gulo sa tapat ng bar sa Morato Ave. QC kaninang umaga. Pansamantalang pinigil sa QCPD Station 10 pero pinakawalan din dahil sa hindi maituro ng nasapak na biktima. | via @allangatus pic.twitter.com/8nrMfqEPOM
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 11, 2018