
Paglabas na paglabas ni Bae-by Baste sa ospital, isang joke kaagad ang kanyang binitiwanan para sa kanyang Eat Bulaga Dabarkads.
Kilala niyo ba si “Ana” at kung ano ang kanyang totoong pangalan?
“Edi UWI ANA!” biro ng child performer. Senyales ito na mabuti na ang kalagayan ni Baste matapos siyang madapuan ng lamok na may dalang dengue.
Nagpasalamat ang batang TV host sa lahat ng mga nagdasal at nagpadala ng well wishes.
“Daghang (Maraming) salamat po Lord, Padre Pio, Eat Bulaga at sa atong (ating) mga Dabarkads na nag-pray po sa amin ni Samsam. Narinig po ni Lord ‘yung mga dasal ninyo, natin.
"From the bottom of my heart and namamagang liver and spleen, daghang (maraming) salamat po kaninyong tanan (sa inyong lahat),” tugon ni Baste sa lahat ng mga bumati sa kanya at kay Samsam.
Ipinasok sa ospital noong nakaraang linggo ang napaka-cute na bagets dahil sa mataas na lagnat na napag-alamang dengue. Binisita siya ng kanyang mga katrabaho at mga boss sa industriya.