
Apat na taon nang sinusuportahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang non-profit organization na Smile Train.
Ang grupong ito ay nagbibigay ng libreng operasyon para sa mga batang may cleft lip and palate.
Kamakailan, nag-donate si Marian ng P500,000 para sa organisasyon. Sa donasyong ito, 40 na bata pa ang mabibigyan ng corrective surgery.
"Gusto kong maging meaningful 'yung darating ko na birthday. Naisip ko na magbenta ng t-shirt na 'Yan ang smile' para at least gusto rin i-extend 'yung awareness ng mga tao na may libreng operasyon para sa mga batang ito na nangangailangan," pahayag niya.
Para naman sa kanyang mismong kaarawan sa August 12, may binabalak daw ang kanyang asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
"Tinatanong ko 'yung asawa ko. Basta ang sabi niya sumama 'ko sa kanya. Huwag na raw akong maraming tanong. Hindi ko alam kung ano. Basta sabi niya kain lang kami with family," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: