
Simula pa lang ng kanilang panayam, marami nang natutunan si Kapuso comedian Tetay sa kanyang panauhing si Roy Rene "RR" Cagalingan, tagapagsalita ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Pinuna kasi ni RR ang paggamit ni Tetay ng salitang "kakagising."
"Tetay, teka lang. 'Yung kakagising dapat ay kagigising dahil ang inuulit natin ay 'yung salitang ugat. 'Yung unang pantig ng salitang-ugat na 'gising' 'yung 'gi,' kaya kagigising hindi kakagising," paliwanag niya.
Matapos nito, sumabak sa isang quiz si Tetay sa mga karaniwang pagkakamali sa wikang Filipino.
Dito, kailangan niyang piliin ang tamang gamit ng mga salitang "bukod" at "liban," "nang" at "ng" at iba pang mga salita.
Ano kaya ang final score ni Tetay? Panoorin ang online exclusive video na ito para sa Buwan ng Wika.