What's Hot

LOOK: Hidilyn Diaz, effortless ang pagbubuhat kay Luane Dy!

By Jansen Ramos
Published August 29, 2018 12:33 PM PHT
Updated August 29, 2018 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Bumisita sa 'Unang Hirit' si Asian Games gold-medalist Hidilyn Diaz, at doon ipinakita niya ang kanyang galing at lakas.

Muli na namang itinaas ni Hidilyn Diaz ang bandila ng Pilipinas matapos niyang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Nalamangan niya sa weighlifting division ang kanyang labing-isang kalaban mula sa iba't-ibang bansa sa Asya sa pagbubuhat ng nasa kabuuang 207 kilograms.

The pride of the Philippines -- Asian Games Gold Medalist Hidilyn Diaz! 💖😍 #UnangHirit

Isang post na ibinahagi ni Unang Hirit (@unanghirit) noong

Sa pagbabalik-bansa ni Hidilyn, naimbitahan siya ng programang Unang Hirit para maki-morning kwentuhan. Game rin siyang kumasa sa "Weight A Minute" challenge at nakatanggap pa ng congratulatory message mula sa kanyang crush na si Atom Araullo.

From weightlifting to 'human lifting'! Congratulations, Hidilyn, for bringing pride to our country! 💖😍 #UnangHirit @luziady

Isang post na ibinahagi ni Unang Hirit (@unanghirit) noong

Sa official Instagram account naman ng Unang Hirit, nagpa-sampol ng "human weightlifting" ang atleta at effortless na binuhat ang host ng show na si Luane Dy.