
Madaling nakapalagayan ng loob ng Kapuso fast-rising star na si Kyline Alcantara ang co-star niya sa Sunday PinaSaya na si Marian Rivera.
LOOK: Marian Rivera, kinilig nang bigyan ng flowers ng isang rising teen star
Kabilang ang teen star sa mga newest addition sa high-rating Sunday musical variety show na pinangungunahan ng Kapuso Primetime Queen at ng Comedy Queen Aiai Delas Alas.
FIRST-LOOK: Third anniversary cast ng 'Sunday PinaSaya'
Sa one-on-one interview ni Kyline sa GMANetwork.com, nagkuwento siya kung gaano ka-sweet si Ate Yan-Yan niya sa tuwing magkikita silang dalawa.
“Si Ate Yan Yan po kasi nabibigyan niya rin po ako ng positive vibes, kasi every time po na magkikita kami she's always smiling, tapos she's always hugging me.
“Hindi lang po siya 'yung typical na hug or hawak lang, alam mo 'yung mahigpit po na hawak so parang I'm so happy.”
Ni-reveal din ng former Kambal, Karibal star na nagkakaroon din sila ng pagkakataon ni Marian na pag-usapan ang mga intriga na ibinabato sa kaniya.
Ano naman kaya ang payo ni Marian tungkol dito?
Kuwento ni Kyline, “Yes po with some issues po nabibigyan po niya ako ng advice kung paano i-handle 'yun. So parang kinakausap niya ako like one-on-one talaga. Tapos minsan nakikisali din si Kuya Dong (Dingdong Dantes).”
Nanatili naman positibo si Kyline sa kabila ng mga isyu na naglalabasan at malaki ang pasasalamat niya sa mga avid fans niya na tinatawag niya na “sunflowers” na palagi siyang ipinagtatanggol.
Aniya, “Okay naman cute pa rin po ako (giggles). Kasi I know what I did and alam ko din naman kung ano 'yung mga hindi ko ginawa dun sa mga sinasabi nila sa akin. So I just smile and stay positive kasi 'yun naman 'yung gusto ko and ng mga fans ko na mangyari sa team namin.”
Dagdag ni Kyline, “I just love them so much, I love you all so much dahil pinoprotekatahan n'yo ko, dinidepensahan n'yo ko and thank you dahil lagi kayong positive kahit ang dami ng negativities na pumapasok sa sunflowers ko. Maraming maraming salamat sa suporta and I love you all so much.”