What's Hot

Andi Eigenmann, may buwelta sa basher na hindi naniniwala sa kanyang simpleng buhay sa probinsya

By Aedrianne Acar
Published September 4, 2018 2:45 PM PHT
Updated September 4, 2018 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Nygel Gonzales, Titing Manalili shrug off ‘best PG’ debate as San Beda–Letran finals heat up
Waltz On Playlist
The Voice Kids Philippines stages its grand finale this December 14

Article Inside Page


Showbiz News



Matapang ang sagot ng ni Andi Eigenmann sa netizen na duda sa sinasabing simpleng buhay ng aktres.

Walang takot na iniwan ng aktres na si Andi Eigenmann ang buhay niya bilang isang celebrity para manirahan sa isang malayong probinsya.

Sa ulat ng Chika Minute noong June 2018, umamin ang anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na ibinenta niya ang mga mamahaling gamit at walang sariling sasakyan ng pinili niya diumano tumira sa Baler, Aurora.

Andi Eigenmann, inihayag na nagbenta ng mga gamit

Pave your own path. 📷 by @mixign for @cosmopolitan_philippines (Link to article and video is in my bio)

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on


"I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn't need,"

"I don't own cars, I don't own any designer clothes at bags. Lahat nang pang-artistang 'yan, make-up, lahat 'yan wala na. Kahit mga kasama sa bahay, yaya, driver lahat 'yan wala na."

Enjoy din siya sa buhay na malayo sa syudad at favorite pastime ni Andi ang pagse-surf.

Pero isang basher sa Instagram ang hindi naniniwala na simple na ang buhay ng aktres ngayon. Sinabi ng netizen na may Instagram handler na @joie_20,” “She still have all the perks in life, big house, yaya, cook, etc. the only thing she's living in a small town away from metropolis.”

Agad tumugon si Andi at sinabing wala silang katulong ng anak na si Ellie, dahil siya ang mag-isa nag-aalaga sa anak nila ng dating boyfriend na si Jake Ejercito.

“Not that you need to be informed but the point is that - I sold everything. And no. Ellie and I don't have help around the house. It's just the two of us.