What's Hot

WATCH: Pelikulang 'Tres,' handog nina Bryan, Jolo at Luigi Revilla sa amang si Bong Revilla, Jr.

By Michelle Caligan
Published September 25, 2018 4:52 PM PHT
Updated September 25, 2018 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fans frustrated by long queues, ticket sales halt on day one of Australian Open
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Magsasama-sama ang magkakapatid na Bryan, Jolo at Luigi Revilla sa pelikulang 'Tres,' na binubuo ng tatlong kuwento na pagbibidahan ng bawat isa sa kanila.

Magsasama-sama ang magkakapatid na Bryan, Jolo at Luigi Revilla sa pelikulang Tres, na binubuo ng tatlong kuwento na pagbibidahan ng bawat isa sa kanila. Ito ay ang Virgo, 72 Hours at Amats.

Mapapanood si Bryan sa Virgo samantalang bibida naman sa Amats si Luigi. Makakasama naman ni Jolo sa 72 Hours si Kapuso leading lady Rhian Ramos.

READ: Rhian Ramos shoots action movie with Jolo Revilla and other Kapamilya actors

Ayon sa ulat sa 24 Oras, hinahandog ng magkakapatid ang pelikulang ito sa kanilang ama, ang dating senator na si Bong Revilla, Jr. Nagkuwento rin sila tungkol sa dapat abangan sa kanilang pelikula.

"It's based in current events eh, katulad nung sa akin, nanggaling siya sa mga nangyayari talaga, from PDEA," ani Jolo.

Si Bryan naman, masaya sa kanyang pagbabalik sa pag-arte. "Matagal ko nang hindi ginagawa 'to, so I'm not hesitant on asking for help. I'm just really happy na very supportive ang mga kasama ko rin dito."

Para sa first time bida na si Luigi, isang hamon ang kanyang ginawa. "Naging fun pero challenging at the same time kasi hindi lang naman action ang whole movie. May drama pa dun, medyo maraming factors na involved."

Narito ang buong report: