
Nagbigay ng pahayag at kuro-kuro si Lolit Solis tungkol sa taong nanloko kay Kris Aquino.
Ayon sa Instagram post ng beteranang talent manager at TV host, kagulat-gulat daw ang nangyari kay Kris dahil diumano sa matinong background ng nanloko sa kanya.
Kris Aquino: "I am now broken"
Aniya, “Iyon daw nanloko kay Kris ay isang learned person na galing sa isang edukadong pamilya na may kaya-kaya 'di siya nakapaniwala na nagawa ito ng taong iyon. At sabi nga nag-alok na ang lola at auntie na sila na magbayad ng kinuha na pera. May balita pa na may special friend daw na actor ang naturang tao kaya nagawa, at baka fall guy na lang ang pinagbintangan nagnakaw o nagtakbo ng pera.”
Dugtong pa ni Lolit na mukhang may kinalaman sa pag-ibig ang nangyari sa tinaguriang Queen of All Media.
Sambit niya, “Masalimuot ang mga istoryang kumakalat at kung totoo, isa na naman crime of passion, dahil sa pagmamahal kaya nangyari ang lahat. O pag-ibig lagi na lang ikaw pinagbibintangan, kawawa ka naman, basta ikaw pumasok, mahirap ng lumabas.”