What's on TV

EXCLUSIVE: Angelika dela Cruz, may Malaysian fans dahil sa 'Ika-6 Na Utos'

By Cherry Sun
Published November 27, 2018 12:31 PM PHT
Updated December 18, 2018 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpaabot ng mensahe si Angelika dela Cruz para sa kanyang mga bagong tagahanga.

Masaya si Angelika dela Cruz dahil sa kanyang international fans. Ang hit at trending Kapuso drama series na Ika-6 Na Utos kasi ay napapanood ngayon sa Malaysia.

Sa kanyang exclusive interview sa GMANetwork.com, nagpaabot ng mensahe si Angelika para sa kanyang mga bagong tagahanga.

Aniya, “Sobrang dami ko ngang followers from Malaysia. Thank you, thank you sa kanila.”

“Kakapasok lang yata nung character ko kaya bigla akong 'Sino 'tong mga 'to?' Message ng message s akin, ibang lenguwahe. 'Sino 'tong mga 'to?' Ayun, sa Malaysia. Very, very thankful syempre. Sana mas ma-enjoy nila 'yung show kagaya ng na-enjoy kong i-portray 'yung character ko dito,” patuloy din ng aktres.

Muling mapapanood ang tapatan sa pagitan nina Angelika at kanyang Ika-6 Na Utos co-star na si Sunshine Dizon sa bagong aabangang Kapuso drama series na Inagaw na Bituin.