
Masusing pinag-aaralan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang mga tradisyon, kultura, at sayaw ng mga Badjaw para sa kanilang gagampanang karakter sa Sahaya.
Kailangan mapag-aralan nina Bianca at Miguel ang 'Pangalay,' isang uri ng sayaw sa Sulu.
“It looks easy but it is really not. We don't treat it as a dance, it is actually a prayer,” saad ni Bianca.
Mag-aaral din ang tambalang BiGuel ng free diving, isang uri ng pagda-dive ng walang gamit na anumang gear.
“Siyempre, may fear sa una,” ani Miguel.
“Siya [Bianca], na-try na niya sa open water, ako hindi pa eh.”
Excited na rin si Jasmine Curtis-Smith para sa kanyang role sa Sahaya kung saan gaganap siya bilang nanay ni Sahaya.
“Excited, definitely, kasi you really have to be specific sa mga information or facts na ibibigay natin sa story and kung paano ko rin siya ipo-portray,” sabi ni Jasmine.
Panuorin ang buong report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video na ito.