What's Hot

'KMJS': Na-bully noon, fitspiration ngayon

By Bianca Geli
Published February 11, 2019 4:08 PM PHT
Updated February 11, 2019 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Paano na ang dating 463 lbs. na lalaki ay naging fitspiration na ngayon ng marami? Panoorin!

Nauso nitong lang New Year ang “How Hard Did Aging Hit You” challenge na nagpakita ng ilang hindi nagbago ang hitsura at meron mga extreme na transformation ang nangyari.

Isa na rito si Cristofer na dating 110 lbs. noong siya'y sampung taong gulang. Mabigat man siya, ay mas mabigat sa kaniyang kalooban na matawag na “dambuhala”, “baboy ramo”, “oso”, “butanding” at iba pang pangalan na nakakdurog ng kalooban.

Kuwento ni Cristofer sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pumalo raw ng 265 lbs si Cristofer pag tungtong niya ng high school, at mas lumala pa ang pang-bubully sa kaniya. Aniya, “Binubugbog nila ako, sinusuntok-suntok nila ako. Hindi ako gumaganti, tinitignan ko lang sila. There are times na kinukuha nila 'yung baon ko, kinukuha 'yung money ko, sinusulatan 'yung uniform ko.”

Nang mag-kolehiyo si Cristofer, umabot na ang kaniyang timbang ng 463 lbs. At dahil nagbibinata na siya, nagsimula na rin siyang ma-in love at manligaw. Dito na-inspire si Cristofer na magpapayat.

Sa loob ng siyam na buwan, mula 463 lbs. bumaba ang kaniyang timbang ng 220 lbs.

Paano niya kaya ito nagawa? Panoorin sa KMJS: