What's Hot

WATCH: Glaiza De Castro, naghahanap ng tahimik na buhay sa Baler

By Marah Ruiz
Published March 4, 2019 11:36 AM PHT
Updated March 4, 2019 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Silipin ang bahay ni Glaiza De Castro sa Baler.

Bukod sa bahay-bakasyunan, naghahanap din daw ng tahimik na lugar si Kapuso actress Glaiza De Castro. Kaya naman napili niya ang Baler, Aurora bilang lokasyon ng kanyang second home.

Glaiza de Castro
Glaiza de Castro

WATCH: Bagong bahay ni Glaiza de Castro sa Baler, silipin!

"Ang sarap kasi na minsan ma-detach sa city life," pahayag niya.

Sa Valenzuela lumaki si Glaiza at nami-miss daw niya minsan ang buhay niya rito.

"As I was growing up, medyo nawawala 'yung ganung factor--'yung pagka-rural noong area. Mas marami ng bahay na tinatayo sa amin," kuwento ni Glaiza.

"Noong pumunta kami dito sa Baler, parang na-miss ko 'yung kabataan ko--noong nakakapaglaro kami tuwing hapon, yung tahimik lang talaga na lugar, at 'yung simpleng pamumuhay," dagdag niya.

Silipin ang second home ni Glaiza, pati na ang mga madalas niyang pasyalan sa Baler sa feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay: