
Nasa bansa ang dating aktres at TV host na si Cindy Kurleto para sa isang endorsement ng isang dietary supplement brand.
Sa kaniyang Instagram account, makikita ang ilang larawan ni Cindy kung saan naka-bonding niya ang ilan niyang kaibigan dito sa Pilipinas.
Bukod sa kaniyang endorsement, ibinunyag ni Cindy sa kaniyang Instagram Stories na magkakaroon siya guest appearances sa ilang TV shows.
Nakilala ang Fil-Austrian beauty bilang MTV VJ at host ng noontime show na Eat Bulaga!
#TISAY: 10 foreignays who became 'Eat Bulaga' co-hosts
Tumatak naman sa televiewers ang kaniyang pagganap sa papel ni Cassiopeia sa mga fantaseryeng Encantadia at Etheria mula 2005 hanggang 2006.
Noong 2004, itinanghal si Cindy bilang "Sexiest Woman of the World" ng isang men's magazine.
Taong 2007 nang lisanin niya ang mundo ng showbiz para manirahan sa Peru kasama ang kaniyang dating boyfriend at ngayo'y asawa na si Daniel. May dalawa na silang anak, sina Noa at Lima.
Kasalukuyang nakabase si Cindy sa Vienna, Austria kasama ang kaniyang pamilya.
IN PHOTOS: Celebrities na pinili ang tahimik na buhay sa ibang bansa
IN PHOTOS: Where is Cindy Kurleto now?