What's Hot

WATCH: Ice Seguerra, nasorpresa sa mainit na pagtanggap sa 'Pagdating ng Panahon'

By Marah Ruiz
Published March 25, 2019 3:15 PM PHT
Updated March 25, 2019 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line, amihan to bring cloudy skies, rains over parts of Luzon
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News



Masayang nagbalik-tanaw sina Liza Diño at Ice Seguerra sa kani-kanilang showbiz beginnings.

Masayang binalikan ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño ang simula ng kanilang mga career sa showbiz.

Ice Seguerra & Liza Diño
Ice Seguerra & Liza Diño

Si Liza, nagsimula bilang isang theater actress. Nagkaroon din siya ng piling roles sa ilang mga teleserye. Naninilbihan siya ngayon bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Si Ice naman, nakilala bilang child star na si Aiza Seguerra matapos sumali sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.

Nagpahinga lang siya mula sa showbiz noong 1998 para makapag-aaral. Nagbalik siya sa showbiz noong 2001 at piniling mag-focus sa musika.

Kaakibat nito ang mga ispekulasyon tungkol sa kanyang gender preference.

"Noong una, kabadong kabado ako kasi pasimula pa lang ulit yung career ko as a singer. Biglang may isyung lumalabas na [tungkol sa gender preference]. Siyempre that time, super talagang grabe, hindi pa kasing bukas 'yun eh. Hindi kagaya ngayon na bukas na kahit paano," kuwento ni Ice.

Gayunpaman, masaya pa rin si Ice na naging mainit ang pagtanggap sa kanyang musika, partikular na sa single na "Pagdating ng Panahon."

"Pero doon ako nagulat. Doon ko na realize na may mga sinasabi man sila na 'tomboy, ganyan,' but my music was still on top of the charts, on the radio for like how many weeks as top one," aniya.

Panoorin ang feature sa kanila ng programang Tunay Na Buhay:


WATCH: Ice Seguerra at Liza Diño, ibinahagi ang schedule ng kanilang IVF procedure

WATCH: Ice Seguerra at Liza Diño, ikinuwento ang katauhan ng napili nilang sperm donor