
Nabangga ng fire truck ang sasakyan ni Janine Gutierrez habang papunta ito ng Dragon Lady taping.
Ligtas man si Janine, aminado siyang natakot siya sa insidente.
Nangyari ang aksidente kahapon ng madaling araw (March 21) habang bumibiyahe sila ng kaniyang driver. Nabangga sila ng isang truck ng bumbero sa bahagi ng Ortigas Avenue.
Nasa passenger seat sa likod ng sasakyan si Janine nang mangyari ang aksidente.
Ayon sa ulat ni Nelson Canlas para sa Chika Minute ng 24 Oras, nagulat pero hindi naman nasaktan ang aktres.
“Nagulat na lang ako ganoon na nga," saad ni Janine "Hindi naman [ako nasaktan], na-ano lang talaga...naalog."
Kaagad daw na pinuntahan si Janine ng kaniyang amang si Ramon Christopher.
Nagpapasalamat din si Janine na kahit nasira ang kaniyang sasakyan ay walang nangyaring masama sa kanila ng kaniyang driver.
Nagawa pa ni Janine na dumiretso sa taping kung saan may mga fire truck din ang ilang eksena.
READ: Janine Gutierrez hopes to work with this Kapamilya actor
Kuwento ni Janine, may malaking eksena raw sa character niyang si Celestina dahil magaganap na ang transformation nito.
"Dapat abangan na malaking transformation ang mangyayari sa Dragon Lady, 'yun din talaga ang ikinaka-excite ko. Importante talaga na magawa naming maganda ang mga eksena kasi big scenes talaga ang mga ito," hayag niya.
Panoorin ang kabuuang ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras.