What's Hot

WATCH: Super Tekla, may unforgettable scene daw sa 'Kiko en Lala'

Published April 2, 2019 10:50 AM PHT
Updated September 24, 2019 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gloria Romero, Nora Aunor, Emman Atienza, more celebrities who left us this 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Sino kaya ang kaeksena ni Super Tekla sa sinasabi niyang unforgettable scene para sa 'Kiko en Lala?'

Ngayong nag-taping na si Super Tekla para sa kanyang unang pelikula na kanya ring pagbibidahan, bakas sa kanyang mga mukha ang labis na kasiyahan.

Tekla
Tekla

Ani ni Tekla, nage-enjoy daw siya tuwing pumapasok sa kanilang set at kahit pagod man ay dinadaan na lang nila sa tawa.

“Bawat taping day namin talagang kahit pagod at kahit sobrang haba ng oras 'di namin iniinda kasi enjoy.”

WATCH: Dual role ni Super Tekla sa 'Kiko en Lala'

Dahil nakasabak na sa taping ang comedian, meron na daw siyang unforgettable scene sa isa sa kanyang co-star na hindi muna niya i-re-reveal kung sino.

Sabi ni Tekla, “May sampalan kami dito. As in sobrang ang intense na parang pagka lumampit 'yung sampal sa iyo parang naging broken family kayo.”

Makakasama ni Super Tekla sa Kiko en Lala sina Derrick Monasterio, Aiai delas Alas, Jo Berry, Divine Tetay, Kiray Celis, at Kim Domingo.

EXCLUSIVE: Divine tetay may first time daw ginawa sa pelikulang 'Kiko en Lala'

Aside sa kanyang nalalapit na pelikula, excited na din daw si Tekla na makasama ang kanyang unica hija ngayong summer.

Ano naman kaya ang summer plans niya? Alamin sa chika ni Lhar Santiago: