
Isang barangay sa Caloocan City ang humingi ng saklolo dahil sa nagkalat na mga bubuyog sa kanilang lugar.
Malalaki at itim na itim na mga bubuyog ang nagsisiksikan sa beehive na nasa isang puno sa Bagong Silang, Caloocan City.
Kuwento ni Carolyn Cadua, isang residente na nakagat ng bubuyog, “Nahampas ko 'yung bubuyog.tapos pag tingin ko sa kinagatan niya, may naiwan na galing sa kanya. Tapos 'yung binti ko naninigas na.
Dagdag ni Carolyn, “Nakakatakot na kasi may business din ako, may tindahan, may computer shop, pinapasok ng mga bubuyog. Hindi maganda sa business 'yung ganon na may kinakatakutan 'yung customer.”
Kapag nakagat ng bubuyog, maaring magka-lagnat. Puwede rin mag-sanhi ng allergy na kapag hindi naagapan maaring makamatay.
Gustuhin man ng mga residente na sirain ang beehive ng mga bubuyog, delikado na magambala ang mga ito at baka magkalat lalo ang mga bubuyog.
Ang residente naman na may-ari ng puno na tinitirhan ng mga bubuyog, ayaw ipatanggal ang puno.
Kaya naman ang mga residente sa Bagong Silang, hindi lang nag-kuwento kundi humingi na rin ng tulong.
Ayon sa beehive researcher na si Alex Fajardo Jr., mapanganib daw ang palaki ng palaki na beehive na ito. “Dangerous siya kung dangerous, may mga recorded na instances na pumapatay talaga siya ng large animals.”
Maalis na kaya nila ang mga nakakapinsalang bubuyog?