What's Hot

'KMJS': Meet this handsome "Tuli Doctor"

By Bianca Geli
Published May 8, 2019 7:30 PM PHT
Updated May 8, 2019 7:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalanin ang first year Medicine student na si Adrian Insigne na nag-viral matapos sumikat online ang mga litrato niya mula sa Operation Libreng Tuli sa Bulacan.

Para sa mga batang lalaki sa Pilipinas, tila rite of passage na ang pagpapatuli na kadalasang ginagawa tuwing bakasyon.

Adrian Insigne
Adrian Insigne

Hindi lang ang mga tinutuli ang napag-uusapan, pati na rin ang ilang mismong tagapagtuli, kagaya na lang ng first year Medicine student na si Adrian Insigne na nag-viral matapos sumikat online ang mga litrato niya mula sa Operation Libreng Tuli sa Bulacan. First time niya rin daw magtuli noong araw na 'yun. Ani ni Adrian, “Kaya sinabi ko kaagad sa mga followers ko, first time kong makapag-tuli.

“Natuwa naman ako kasi nag-viral siya. The night before ng tuli mission tinuruan niya ako ng procedures na gagawin ko. Nag-practice muna kami sa banana and eggplant,” dagdag niya.

May kasama naman daw na supervisor si Adrian na taga-check ng kaniyang pagtuli, pero kinabahan pa rin siya.

“Kinakabahan ako kasi baka magkamali ako.”

Naging trending si Adrian dahil sa boy-next-door charms niya, pero maliban sa kaniyang hitsura, labis daw kanyang pagnanais na makatulong sa mga may sakit.

“Gusto ko mag-med at makatulong sa kapwa. Ang nakita kong way of pursuing that is to be a doctor.,” paliwanag niya.

“Masaya kasi first ever minor surgery ko at natapos ko siya.”

Panoorin ang kaniyang tuli mission sa KMJS: