What's Hot

Aiai Delas Alas, nag-resign bilang manager ng Ex-Battalion

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 15, 2019 6:25 PM PHT
Updated May 15, 2019 8:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



HIndi napigilan ni Aiai Delas Alas na maging emosyonal sa kanyang press conference na ginanap sa Pamana restaurant kanina (May 15). Panoorin kung bakit nga ba nagbitiw ang Comedy Queen bilang manager ng Ex-Battalion.

Inihayag ng Philippine Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa isang press conference na binibitawan na niya bilang manager ang grupong Ex-Battalion.

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas

Ayon kay Aiai, hindi na siya nirerespeto ng ilang miyembro nito kaya minabuti na niyang tapusin ang kanilang kontrata.

READ: Aiai Delas Alas, sa paghawak ng bagong talent pagkatapos ng Ex Battalion: "Ayaw ko na!" ()

"Wala naman akong pakielam sa private nilang buhay. Ang akin is 'yung professionalism, and 'yung how they treat people, how they treat me," saad ni Aiai.

"Minsan walang respeto. Hindi nila ako sinusunod," dagdag ng comedy queen.

Kuwento pa ni Aiai, matagal na dapat siyang aalis bilang manager ng grupo pero hinintay niya munang ipalabas ang kanilang pelikula na "Sons of Nanay Sabel."

"Actually matagal na dapat akong magre-resign. Nahihiya lang ako sa Viva kasi may film kami na lalabas.

"Since lumabas naman na yung film, okay na masabi ko na mag-quit ako."

Aiai Delas Alas cries foul over Ex-Battalion's unprofessionalism: "Nakakahiya kayo."

Ayon kay Aiai, stress lang ang kanyang nakuha sa pagiging manager ng grupo dahil ilang beses siyang sinasagot-sagot ng mga ito.

"At least nakatulong ako sa kanila. 'Yun naman 'yung parati kong sinasabi sa kanila na 'Lahat ng ginagawa ko para sa inyo, wala akong ginagawa para sa sarili ko,'" ani Aiai.

Nagsisisi naman si Aiai na tinanggap niya ang pagiging manager ng Ex-Battalion dahil ang grupo mismo ang lumapit sa kanya.

"Lumapit sila sa akin para tulungan ko sila e. Tinulungan ko sila tapos hindi nila na-a-appreciate at saka wala silang respeto sa akin and they don't trust me."

Sa puntong ito hindi na napigilan maging emosyonal ng Sunday PinaSaya host.

"Traumatized [ako sa kanila] kasi 'yung stress hindi mo mababayaran eh. Yung parati kang kinakabahan."

Panoorin ang buo niyang pahayag sa video ni Allan Sancon: