What's Hot

Exclusive: Julie Anne San Jose, hinihikayat ang mga Pinoy na patuloy na suportahan ang OPM

By Maine Aquino
Published May 22, 2019 6:52 PM PHT
Updated May 22, 2019 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News



Masaya si Julie Anne San Jose na patuloy na bumabangon muli ang OPM. "I'm just glad that 'yung OPM ay nakakabangon na talaga ulit."

May isang panawagan si Julie Anne San Jose sa mga Pinoy na suportahan ang OPM artists.

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose


Sa panahon ngayon ay maraming tinatangkilik ang mga Pinoy na international artists. Kaya naman masaya si Julie na may patuloy pa rin sa pagsuporta sa proyekto ng OPM artists na tulad niya.

Saad ni Julie, "Ang music naman hindi naman ay para sa lahat. Hindi naman natin puwedeng ipagdamot 'yun. I'm just glad that 'yung OPM ay nakakabangon na talaga ulit."

See you there? ❤️

A post shared by ᒍᑌᒪIE ᗩᑎᑎE ᔕᗩᑎ ᒍOᔕE (@myjaps) on

Dagdag pa ng Asia's Pop Sweetheart, may mga Pinoy artists na namamayagpag ang career ngayon kaya naman proud na proud siya sa estado ng OPM.

"Ang daming bagong artists na sumisikat ngayon and nakikilala sa OPM scene. Nakaka-proud siyempre."

May pakiusap rin si Julie na patuloy suportahan ang kapwa Pilipino sa paglikha ng musika.

"I actually feel bad about people na alam mong Pilipino pero hindi sila mahilig sa OPM. Kasi Pilipino tayo, 'di ba? Tangkilikin natin ang sariling atin."