
Bumida ang Sahaya stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang kauna-unahang horror flick na pinamagatang Banal.
Sa naganap na premiere night, kinuwento ng dalawang stars kay Chika Minute anchor Aubrey Carampel ang kani-kaniyang experience habang kinukunan ang pelikula.
Ayon sa dalawa, physically and emotionally draining ang kanilang shoot pero worth it naman raw nang mapanood nila ang trailer.
Ano naman kaya ang dapat abangan ng mga manonood sa horror flick?
Pahayag ni Bianca, “Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi lahat ng eksena na ginawa namin para sa pelikulang ito kaabang-abang.”
Dagdag pa ni Miguel, “Ang pinakadapat abangan niyo diyan ay based on real events itong movie.”
Ang mga manonood ay 'di lang daw magugulat kundi mapapasigaw sa takot at may mapupulot ding aral sa kanilang pelikula.
Mapapanood na ang Banal sa mga sinehan simula May 29, 2019.
Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel: