
Muling nagbabalik si Aicelle Santos sa Rak of Aegis pagkatapos ng kanyang pagganap bilang Gigi Van Trahn sa Miss Saigon.
Sa kanyang pagbabalik sa longest-running Pinoy musical, ay ibinahagi ni Aicelle na maraming magagandang bagay ang nangyari sa kanyang buhay. Kanyang ikinuwento ito sa ginanap na press launch ng Rak of Aegis nitong June 3 sa PETA Theater.
Saad ni Aicelle, ang kanyang pagganap bilang Aileen ang nagsilbing simula sa blessings sa kanyang theater career.
"Marami pong nangyari dito sa Rak of Aegis. Dumami po ang trabaho ko hanggang sa nakarating po ako sa ibang bansa."
Dagdag pa ni Aicelle, ang bagay na babalik-balikan niya sa Rak of Aegis ay ang magandang samahan ng kanilang grupo.
"It sparks joy dahil isa po kaming malaki at masarap na magmahal na pamilya. Tuwing pupunta kami rito sa teatro, sa likod man o sa harap, iba 'yung pakiramdam. Nakakalimutan mo 'yung problema mo dahil 'pag nakita mo ang bawat isa, ang saya-saya lang. "
Aicelle Santos returns to 'Rak of Aegis' fresh from 'Miss Saigon' global tour
Ibinahagi rin ni Aicelle na ang mga cast ay nag-improve ang talento dahil na rin sa kanilang pagsasanay na ginagawa sa Rak of Aegis.
"Nag-evolve kami in terms of singing, in terms of acting, in terms of body."
Panoorin ang pagbabalik ng award-winning performer na si Aicelle sa Rak of Aegis simula ngayong July.
LOOK: Aicelle Santos wins Outstanding Female Lead Performer at Philstage Awards