What's Hot

EXCLUSIVE: Noel Cabangon on joining 'Rak of Aegis:' "Hindi nila ako makikitang kalmado"

By Jansen Ramos
Published June 6, 2019 2:53 PM PHT
Updated June 6, 2019 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister, hinabol ni misis na armado ng itak sa Northern Samar
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pagbabalik ng highly-acclaimed musical na 'Rak of Aegis,' may mga bagong mukha ang magpapakitang gilas sa entabaldo at isa riyan ang batikang singer-songwriter na si Noel Cabangon

Sa pagbabalik ng highly-acclaimed musical na Rak of Aegis, may mga bagong mukha ang magpapakitang gilas sa entabaldo at isa riyan ang batikang singer-songwriter na si Noel Cabangon. Siya ang kahalili ni Renz Verano sa pagganap sa papel ni Kiel.

Noel Cabangon
Noel Cabangon

Napabilang siya sa cast ng Pinoy musical dahil nagkaroon ng collaboration ang Philippine Educational Theater Association (PETA), PhilPop at Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-Aawit (OPM) kung saan siya council member.

"Bilang representative ng OPM, maganda siyang partnership dahil we celebrate Linggo ng Musikang Pilipino every year and magkasabay sila ng Rak of Aegis run," saad niya sa panayam ng GMANetwork.com kahapon, June 5, sa launch ng Sorexidine, isa sa official partners ng Rak of Aegis, sa Annabel's restaurant sa Quezon City.

Para kay Noel, isa itong magandang paraan para ma-promote ang OPM at ang Filipino musicals.

"Magandang partnership ito that's why ang ginawa rin ng OPM was to facilitate also the audition of other members of OPM kung type nila mag-go into theater so we opened it to our members.

"And then at the same time, PhilPop had an ongoing songwriting bootcamp so we invited PETA to talk about the writing for musicals.

"Marami na rin kaming songwriters sa PhilPop na maaaring makipag-collab someday with PETA.

"Meron siyang gano'ng harmony.

"So, magandang partnership ito kasi we talk about music and Filipino musical."

Nakilala si Noel dahil sa kanyang malamig na boses pero sinisigurado niyang kaya niyang makipagsabayan sa biritan at aktingan.

"Dito makikita nila na hindi ako kalmado," ika niya.

"Rock ito kaya parang rock opera so hindi 'yung the usual na nakikita nilang kalmado.

"Saka, siyempre, may acting, medyo matagal na kong 'di nagte-theater but kailangan maghanda talaga.

"Makikita nila ako sa stage na um-a-acting, 'di lang kumakanta na may guitar, saka live, walang edit-edit doon.

Dugtong pa niya, "'Yung very challenging high notes ng Aegis 'yun ang kailangan kong paghandaan."
Bukod kay Noel, kabilang din sina Randy Santiago, Bayang Barrios, Jenine Desiderio, Leah Patricio, Kimberly Baluzo, at Kapuso actor Derrick Monasterio sa new cast members ng Rak of Aegis.

Mapapanood na ito simula July 5 sa PETA Theater Center sa New Manila, Quezon City.

Aicelle Santos returns to 'Rak of Aegis' fresh from 'Miss Saigon' global tour