What's Hot

'KMJS': Ang lotto millionaire ng Tondo, kilalanin!

By Bianca Geli
Published June 11, 2019 1:50 PM PHT
Updated June 11, 2019 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Uwian na, dahil may nanalo na ng tumataginting na mahigit 200 milyong piso na jackpot prize sa grand lotto!

Uwian na, dahil may nanalo na ng tumataginting na mahigit 200 milyong piso na jackpot prize sa grand lotto.

Tatlo na ang naka-jackpot sa lotto sa isang tayaan sa Hermosa Street, Tondo Manila. Ang una, nanalo ng kalahating milyong piso. Ang ikalawa, 1.4 million pesos. At ang pangatlo, nag-uwi ng mahigit 200 milyong piso.

Ang pinaniniwalaang lucky charm sa tayaan? Ang teller na si Clarence. Sa katunayan, kung ano pa ang mali niyang na-encode, siya pa ang lumalabas na numero. Minsan daw siyang nakapagpanalo ng ticket, nang may maling na-encode na ticket si Clarence, ngunit sa kasamaang palad ay ipina-cancel na lang ito ng tumaya. Laking hinayang ng lahat ng malaman nila na ang maling na-encode na numero, ang siyang nanalo sa lotto.

May isang taga-taya, na pinapakyaw lahat ng maling na-encode ni Clarence, at anim na beses na raw siyang tumama.

Mali man daw siya ng pandinig minsan, swerte naman ang nagiging resulta. Minsan na ring nanalo ng 20,000 pesos sa lotto si Clarence. Aniya, “Hindi pa po ako tumama ng malaki, balang-araw sana makatama ako…mabigyan ko lang ng magandang kaginhawaan ang mga kaibigan ko."

Sa paghahanap ng Kapuso Mo, Jessica Soho, natuklasan ng team na dati pa palang may nanalo ng malaki sa lotto na mula rin sa Tondo., at buong tapang siyang haharap para ikuwento ang kaniyang istorya ng buwenas.

Kung ang ibang panalo sa lotto, pinipiling magtago, iba naman ang sitwasyon ng isang tindera na nanalo sa lotto noong 2015.

Kilalanin si Chat, ang 50-anyos na nanalo sa 6/45 Mega Lotto ng P30 million pesos.

Panoorin: