
Manghang-mangha ang Kapuso sexy comedienne na si Lovely Abella sa nakita niyang performance ni Alden Richards sa upcoming film nila na 'Hello, Love, Goodbye' kung saan makakasama niya si Kathryn Bernardo.
LOOK: Alden Richards now leaner thanks to new diet
Sa panayam ni Lovely sa GMANetwork.com last June 17, pinuri nito ang Pambansang Bae na ibinigay ang best niya for this project.
Kuwento niya, “Iba siya (Alden Richards) rito kasi iba 'yung focus niya. 'Yung focus niya na parang 'Ga (Lovely Abella) gagalingan ko 'to!' As in! 'Yun talaga sinasabi niya."
Matagal na din hangad ng Bubble Gang star na makasama sa isang movie at finally natupad na ito nang mapasama siya sa Hello, Love, Goodbye.
“Kasi before pa kapag gusto ko sa movie parang hindi 'yun ang nao-offer sa akin eh. So sabi ko, siguro may perfect time para dun and heto na 'yun.”