What's Hot

'KMJS': Ang makulay na lovelife ni Jojo

By Bianca Geli
Published June 29, 2019 2:29 PM PHT
Updated June 29, 2019 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Rep. Terry Ridon presscon (Dec. 19, 2025) | GMA Integrated News
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-Ender Special
Richard Gomez hits PH fencing prexy's head, alleges favoritism

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit na may kakaibang kalagayan si Jojo Cero, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ni Marisa Maisog.

Ang tunay na pagmamahal walang pinipiling hitsura tulad ng love story nina Jojo Cero at Marisa Maisog.

Jojo Cero at Marisa Maisog
Jojo Cero at Marisa Maisog

Nagkaroon ng mga nobyo si Marissa noon hanggang sa isang araw dumating ang kaniyang Prince Charming--si Jojo.

Gayunman hindi naging madali ang kanilang relasyon. Ipinanganak na may Treacher Collins Syndrome si Jojo kaya kakaiba ang itsura nito.

Kuwento ni Jojo, “Minsan pinagtatawanan ako ng mga tao. Nasasaktan ako minsan pero hindi ko na lang pinapansin. Si Lord na lang ang bahala sa kanila.”

Nag-mahal man si Jojo, hindi rin ito nagtagal kaya ibinaling na lang niya sa pag-aaral at art ang kaniyang attensyon.

Hanggang sa dumating sa buhay niya si Marisa.

Ani ni Marisa, “Hindi siya kaparehas ng ibang lalaki na manloloko.”

Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na makipag-kaibigan dito hanggang sa maging mag-nobyo na sila.

Pero ang mga mapanghusgang mata ng mga tao, hindi mapigilang magduda sa pagmamahalan nila.

Tunghayan ang kanilang love story sa KMJS: