
Pasok sa isang international film festival ang Misterio de la Noche, ang pelikulang pagtatambalan nina Solenn Heussaff at Benjamin Alves.
Ibinahagi ng direktor nitong si Adolf Alix Jr. ang magandang balita.
"A good news this morning indeed! MISTERIO DE LA NOCHE (Mystery of the Night) will have its world premiere in the Cheval Noir Main Competition of the 2019 Fantasia International Film Festival, North America's largest genre film fest this July 11 - August 1 in Montreal, Canada," sulat ni Direk Adolf sa kanyang Instagram account.
Ang Misterio de la Noche ay base sa dula ni Rody Vera na Ang Unang Aswang.
Bukod kina Solenn at Benjamin, tampok din sa pelikula sina Elizabeth Oropesa, Gina Alajar, Allan Paule, Rosanna Roces, Menggie Cobarrubias, Mercedes Cabral, Anne Garcia, at Radha.
Nag-screen na rin ang pelikula sa Marche du Film na bahagi ng 72nd Cannes Film Festival nitong nakaraang Mayo.