
Kung na-miss niyo ang BoBrey, 'wag mag-aalala dahil mapapanood na ulit sina Rita Daniela at Ken Chan sa isang upcoming GMA primetime series.
Ayon kay Ken at Rita, kakaiba ang makikita ng kanilang fans mula sa kanilang bagong mga karakter.
“Sana po abangan niyo po ito kasi sobrang ibang-iba po 'yung character na ipo-portray naming dito mula kay Aubrey at Boyet. 'Yung darating naming mga characters, very interesting and sobrang excited na kami ni Ken na i-portray sila,” saad ni Rita.
Dagdag ng RitKen, mapapanood sa kanilang bagong serye ang buhay ng mga taga-maritime industry.
“Ito ay tungkol sa maritime industry,” pahayag ni Ken.
“Kung gusto niyo humugot tungkol sa love ito ang serye para sa inyong lahat,” aniya.
Hangad din ng RitKen na mapamahal muli ang kanilang fans sa kanilang mga karakter.
“Sana po kung ano 'yung pagmamahal at suporta na ibinigay niyo sa My Special Tatay sana ganun din po ang ibigay niyo sa amin ngayon.”
Abangan ang RitKen sa GMA primetime, malapit na!