
Isang dream come true para kina Janine Gutierrez, Sanya Lopez, at Andrea Torres na mabilang at matawag na leading lady sa Kapuso network.
Sa katunayan, kilig na kilig sila tuwing nababansagang leading lady mapa-telebisyon man o pelikula.
“Kinikilig ako!” saad ni Sanya Lopez na bumibida ngayon sa afternoon series na Dahil Sa Pag-ibig .
“Natutuwa ako siyempre parang binigyan ako ng opportunity para maging isang leading ladies ng GMA at parang it's an honor and a pleasure na maging one of them.”
Ganito rin ang pananaw ni The Better Woman actress Andrea Torres.
“Hindi nawawala 'yung kilig kasi pinaghirapan mo siya at dream mo siya.”
On cloud nine naman ang feeling ni Dragon Lady star Janine Gutierrez.
“Minsan 'di pa rin siya nagsi-sink in kasi I still look up to a lot of the leading ladies in GMA.
“To be called a leading lady super dream come true.”
Maliban sa kanilang acting skills, binibigyan pansin rin ng karamihan ang fit and sexy bodies nila.
Paano nga ba ma-achieve ang pang-leading lady na awra? Panoorin ang sagot nila sa video na ito:
IN PHOTOS: Suzi and Paolo Abrera, #CoupleGoals na, #BodyGoals pa!
WATCH: Katrina Halili, Aubrey Miles, and Diana Zubiri share how to achieve their #bodygoals