
Marami sa atin, dalang-dala sa matatamis na salita ng mga pulitiko na puro pangako.
Ibahin niyo raw ang Maynila, na marami mang malalang sakit sa lipunan, mabilis naman nang nagbabagong anyo.
Puno ng aksyon ang unang linggo ng termino ng bagong mayor at dating artista na si Isko Moreno. Kauupo pa lang sa puwesto, pagbabago sa capital city agad ang inasikaso.
Pinaliguan ang Divisoria, Recto, Blumentritt, at Quiapo, dinurog ang illegal video karera, at pagsasampa ng kaso sa isang Tsino na umihi sa pampublikong lugar.
Hangarin daw ni Mayor Isko na maging tagapasimuno ng mabuting pagbabago.
Kuwento ni Mayor Isko Moreno kay Kapuso news anchor Jessica Soho, “Alam mo, kapag hindi ko ito ginawa, nobody will.”
Diretso raw kay Mayor Isko ang mga saloobin ng mga Manileño sa pamamagitan ng social media.
'Yung reklamo nila ipinadadaan ko sa messenger. Kasi 'pag may makakita sa inireklamo nila, baka sila naman mabalikan,” kuwento ni Mayor Isko.
Dagdag niya, “The only wall between us is that screen. 'Yun ang tipo ng gobyerno na gusto kong matamasa ng taong bayan.”
Kahit anong pagsubok, handa raw harapin ni Mayor Isko para sa nasasakupang siyudad.
Aniya, “Ano pa ba irireklamo ko, Jessica? Basurero lang ako dati. Wala nga akong makain dati 'eh. Ano pa bang hardship ang hindi ko nasabakan?”
Tunghayan sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang istorya ni Mayor Isko Moreno.