
Naiyak ang Sunday PinaSaya star na si Lovely Abella nang mapanood ang Family History na pinagbibidahan nina Michael V. at Dawn Zulueta.
Na-trigger ang emosyon ni Lovely sa family drama movie, kaya napahagulgol ito sa loob ng sinehan.
Aniya, “Okay naka-move on na ako. Iba ang pelikulang to, ang FAMILY HISTORY.
Marami raw nabasang reviews si Lovely tungkol sa pelikula at bumuhos ang luha niya habang nanonood.
“Nung napanood ko na, wala na parang gumuho na yung mundo ko…walang biro umiiyak ako.
“Tumitigil dahil tatawa, iiyak na naman ulit tapos tatawa paulit ulit ang ganung emosyon sakin at ang dami mong realization after, ang dami mong matututunan.”
Nagbigay rin si Lovely ng mensahe para kay Bitoy na tumayong director, scriptwriter, at lead aktor sa Family History.
“Kuya Bitoy, sobra kitang iniidolo pero mas somobra pa ngayon, IBA KA PO. Salamat sa magandang pelikula, sa buong cast ang gagaling niyo po. CONGRATULATIONS GUYS, 'yan ang testimony ko manood kayo para kayo po mismo ang humusga. FAMILY HISTORY now showing.”
Isang collaboration ang Family History ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment.
#FamilyHistory: Fans ni Dawn Zulueta, curious kung ano ibig sabihin ng '46 times'
#46Times: Netizens, uulit-ulitin ang panonood ng 'Family History'
LOOK: A-list celebs flock to the grand premiere night of 'Family History'