What's Hot

Marian Rivera, mas marami ang oras na maka-bonding sina Zia at Ziggy ngayon

By Bianca Geli
Published September 28, 2019 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Habang nasa Europe si Dingdong Dantes para sa Berlin Marathon, ipinasyal muna ni Marian ang kaniyang dalawang supling sa isang museum.

Naging doble ang happiness at fun sa buhay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sa pagdating nina Zia at Ziggy . Palaging nababanggit ni Marian na ang pagiging ina ang isa sa biggest blessings sa kanyang buhay.

Marian Rivera
Marian Rivera

Habang nasa Europe si Dingdong Dantes para sa Berlin Marathon, ipinasyal muna ni Marian ang kaniyang dalawang supling sa isang museum.

IN PHOTOS: Mommy Marian Rivera's Day Out with Zia and Ziggy

Kuwento ni Marian, challenge raw para sa kanila ni Dong na siguraduhing lumalaking mabuting mga bata sina Zia at Ziggy.

Aniya, “Pero ang challenge sa'min is paano namin mapapalaking mabuti silang dalawang tao 'eh 'yung panglabas 'eh panandalian lang 'yan.”

Ang lagi niyang bilin kay Zia? “Always respect and obey talaga.”

Aminado si Marian na mahirap din magbantay ng dalawang anak.

“Tsaka kapag minsan sobrang hyper kasi ni Zia, well saan pa ba magmamana [kung 'di] sa nanay,” pabirong sinabi ni Marian.

Wala naman daw selos si Zia sa kanyang baby brother, at sa katunayan ay sobrang mahal nito ang kanilang bunso.

“Love na love niya 'yung brother niya, minsan kapag umiiyak 'yung brother niya, [sasabihin niya] it's okay, Ate's here. Ganun siya.”

Panoorin ang buong ulat sa 24 Oras:

WATCH: Marian Rivera, babalik na sa 'Sunday Pinasaya' ngayong October

LOOK: Dingdong Dantes posts his "pampagana" for the Berlin Marathon