
Taos-puso ang pasasalamat nina Ken Chan at Rita Daniela sa pagkakapanalo nila sa 33rd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television na ginanap nitong October 13 sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University.
Nagpasalamat si Ken sa RitKen fans na tinawag niyang “Unexpected Supporters” at kay Rita.
“Unexpected Supporters” yan ang tawag namin sa lahat ng mga sumusuporta sa amin ni Rita simula My Special Tatay hanggang ngayon sa One Of The Baes pinapadama ninyo sa amin ang love na nakakapagpalakas ng loob naming dalawa.
Hindi rin nakalimutan ni Ken na magpasalamat sa namayapang si Kuya Germs at sa kaniyang ka-loveteam na si Rita.
“Sa bumubuo ng PMPC Star Awards at sa aming Tatay German “Kuya Germs” Moreno maraming salamat po sa Power Tandem na binigay ninyo sa amin, magsisilbing inspirasyon ito sa mga proyektong gagawin pa namin. Ta, partners in crime talaga tayo hehe salamat sayo.”
Si Rita naman, nagpasalamat din sa PMPC at sa kaniyang “partner” na si Ken.
“Thank you, PMPC! Congratulations and good job to us, partner. Cheers to more. ♡
LOOK: GMA stars and shows win big at the 33rd PMPC Star Awards for Television
Rita Daniela and Ken Chan, named Power Tandem of the Year