GMA Logo
What's on TV

EXCLUSIVE: Barbie Forteza, hanga sa improvement ni Kate Valdez sa pag-arte

Published November 22, 2019 5:38 PM PHT
Updated January 14, 2020 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Yukien Andrada delivers on promise after bringing San Beda back to promised land
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Barbie Forteza at Kate Valdez, excited makatrabaho ang isa't isa sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday!'

Nakapanayam ng GMANetwork.com sina Barbie Forteza at Kate Valdez sa story conference ng Anak Ni Biday Vs. Anak Ni Waray upang malaman ang kanilang reaksyon ngayong makakatrabaho nila ang isa't isa for the first time.

IN PHOTOS: At the story conference of 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

Ani Barbie, nasusubaybayan daw niya ang growth ni Kate bilang artista at kinakakitaan niya ito ng potential na maging isang magaling na aktres.

Aniya, "Si Kate kasi napapanood ko na before and she has so much potential.

"Isa siya sa mga artista na nakikita ko na talagang very dedicated sa trabaho and 'yung willingness niya to learn.

"Habang tumatagal nag-i-improve siya sa pag-arte so masarap katrabaho 'yung ganoon.

"She doesn't take things for granted. Kumbaga 'pag binibigyan siya ng opportunity, binibigay niya talaga 'yung best niya which is good."

Kung masaya si Barbie na makatrabaho si Kate, mas lalo naman daw siyang excited na makaeksena si Barbie sa Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.

"Kinikilig ako! Ang sarap sa feeling kasi pakiramdam ko matutulungan niya ako na ma-bring out 'yung iba't ibang sides ko," wika ni Kate.

Kahit first time makakatrabaho ni Barbie si Kate, confident naman siyang magiging close agad sila dahil sa pagiging natural niyang maboka.

Abangan sina Barbie and Kate together with veteran stars Snooky Serna and Dina Bonnevie sa remake ng 1984 film na Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday soon on GMA!

Barbie Forteza and Kate Valdez, to star in new GMA series, 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'