
Nakihugot ang netizens sa kwento nina Karla (Liezel Lopez) at Francis (Ralph Noriega), mga karakter sa third episode ng One Hugot Away na "Let Go Na."
Sa kwento, kawalan ng time ang naging dahilan ng breakup nina Karla at Francis. Umabot sa asocial media ang pagbabahagi ng kanilang mga hinaing matapos mag-live video si Karla at ibenta ang mga regalo ng kanyang ex para maka-move on.
Napanood ito ni Francis at ipinaliwanag ang kanyang sarili sa pamamagitan din ng isang live video.
Humingi siya ng second chance kay Karla para patunayan muli ang kanyang sarili.
"Hindi lahat ng nang-iwan, hindi nasasaktan," sambit ni Francis sa kanyang live video.
Nakisimpatiya ang netizens kay Francis at ibinahagi ang kani-kanilang hugot.
Sa tingin mo, tinanggap muli ni Karla si Francis bilang kanyang nobyo o let go na? Ibahagi ang inyong opinyon
below!