
All-out ang support ng multi-awarded comedienne na si Aiai Delas Alas sa pinakabagong weekly musical variety show na All-Out Sundays na pumalit sa dating niyang high-rating program na Sunday PinaSaya.
Aiai Delas Alas, naging emosyonal sa 'Sunday PinaSaya'
Sa Instagram post ni Aiai, inimbitahan niya ang kanyang followers na tumutok sa pilot episode ng All-Out Sundays kahapon, January 5.
Isang netizen naman ang direstahang tinanong si Aiai Delas Alas kung magiging parte ba siya ng AOS in the future.
Agad namang tumugon ang Kapuso star at sinabing sa “tamang panahon” daw ito mangyayari.
“Hehe sa tamang panahon makakasama din nila ako wait lang tayo… support-support lang muna tayo hehe.”
LOOK: Netizens praise the pilot episode of 'All-Out Sundays'