GMA Logo
What's Hot

WATCH: Aiai Delas Alas, mangiyak-ngiyak na inilahad ang kuwento ng kanyang pagtulong kay Jiro Manio

Published January 19, 2020 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saudi King Salman leaves hospital after medical tests
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Isa-isang ikinuwento ni Aiai Delas Alas ang lahat ng efforts niya upang mapabuti ang buhay ng kanyang anak-anakan na si Jiro Manio.

Matapos lumabas ang balitang inaresto ang former child actor na si Jiro Manio noong Biyernes ng gabi, January 17, dahil 'di umano sa frustrated homicide, naglabas agad ng kanyang statement ang nanay-nanayan niya na si Aiai Delas Alas.

Ex-child actor Jiro Manio arrested in Marikina

Sa isang tell-all video sa Instagram, tahasang ikinuwento ni Aiai ang istorya ng kanyang pagtulong para mapabuti ang buhay ni Jiro.

Nag-umpisa si Aiai sa pagpapaliwanag kung bakit niya kailangang ikuwento ito. Aniya, "So kaya po ako nag-video na ganito, para po malinaw kung ano ba ang nangyari kay Jiro after noong 2015 kung saan siya nakita sa NAIA na palaboy-laboy."

Sinundan ito ng aktres sa pagbabahagi na dalawang beses niyang ipinasok sa rehabilitation center si Jiro at siya mismo ang gumastos para rito.

"Ni-rehab ko po si Jiro dito sa Quezon City. Ayoko na po sanang sabihin pero alam kong maraming magtatanong sa inyo. Medyo may kamahalan po talaga 'yung rehab ni Jiro. Siguro nasa 60,000 a month siya noon. And I think tumagal siya doon mga six months to eight months na rehab."

Saad pa ni Aiai, inalok niya si Jiro na muling mag-artista upang makapagsimula ulit.

"After po pala nung rehab niya, kinuha ko pa siya ng condo, para doon sila ng mga kapatid niya [tumira], para in case na mag-artista siya, malapit siya rito sa GMA. Para at least disente naman 'yung titirhan niya and para fresh start sa kanya."

Ngunit hindi raw natuloy si Jiro sa pagbabalik-showbiz dahil umayaw din ito.

At dahil sa tingin ni Aiai ay hindi pa magaling si Jiro sa kanyang unang rehab, nagdesisyon siyang ipasok itong muli sa kanyang pangalawang rehab. Nagtagal naman daw siya doon ngunit nang payagan siyang lumabas pansamantala ay bumalik si Jiro sa kanyang bisyo.

Doon na raw nagsimulang mawalan ng pag-asa si Aiai. Aniya, "Doon 'yung time na sabi ko, wala na 'to. Parang pakiramdam ko 'yung lahat ng ibinuhos kong effort, tulong, pangaral, suporta sa pamilya, parang natapon na lang nang ganoon. So parang ang dating sa 'kin, napagod na ako."

Pagkatapos daw ay lumabas na nga ng rehab si Jiro at nawalan na sila ng komunikasyon sa loob ng isa't kalahating taon.

Kaya naman nang malaman ni Aiai ang masamang balita kay Jiro kamakailan lang, mangiyak-ngiyak niyang sinabi na wala na siyang magagawa pa sa ngayon.

"Siguro ang pinaka magagawa ko na lang ngayon ay magdasal at hinihingi ko rin po na ipagdasal natin siya nang maliwanagan ang isip niya kung ano man po ang mangyari sa kanya ngayon, na sana ay matuto siya sa lahat-lahat ng pinagdaanan niya, sa buhay niya."

Panoorin ang buong video ni Aiai:

Magandang umaga .. sana kahit papaano nakinig at na appreciate mo ang effort ko at lahat ng mga taong tumulong sa yo para mapabuti ka..ipag pray kita .. note 1.. yung tradisyon mali pala yun kultura ng mga hapon na pag 18 and above d na kargo ng magulang.. pero nun bata si jiro sustentado ng papa nya kahit artista pa sya ... note 2 ( kung may nakapansin pasa ko sa kamay pumutok kasi ugat ko maliit lalagyan ng iv kasi nagkasakit ako kaya may pasa.... salamat po and GOD BLESS everybody 💚🙏🏼

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on