GMA Logo
What's Hot

'Kambal, Karibal,' muling mapapanood sa GMA Telebabad

By Jansen Ramos
Published March 17, 2020 12:00 PM PHT
Updated March 17, 2020 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Na-miss n'yo ba ang mga makapigil-hiningang eksena nina Crisel at Crisan sa 'Kambal, Karibal?'

Alinsunod sa executive order kung saan idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang community quarantine sa Metro Manila dahil sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID 2019), pansamantalang itinigil muna ang tapings ng ilang programa ng GMA Network para sa kaligtasan ng mga staff at crew nito.

GMA Network Statement on Programming

Isang post na ibinahagi ni Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) noong

Gayunpaman, hindi naman hihinto ang Kapuso Network sa paghahandog ng complete entertainment sa mga manonood, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Simula Miyerkoles, March 18, magkakaroon ng special programming ang GMA para sa weekday primetime shows nito.

Muling mapapanood ang 2017-2018 hit suspense-drama na Kambal, Karibal sa ganap na 8:35 p.m., pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Pinagbidahan nina Bianca Umali, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, at Miguel Tanfelix, ang Kambal, Karibal ay kuwento tungkol sa kambal na sina Crisan (Bianca) at Crisel (Pauline) na sukdulan ang galit sa kanyang kapatid na umabot pa sa kabilang buhay.

Samantala, maaring balikan ang full episodes ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at Love of My Life sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Stay safe and enjoy watching, mga Kapuso!