
Simula March 30, madaragdagan na ang mga dekalidad na palabas na mapapanood sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Bukod kasi sa top-rating series na Ika-6 Na Utos, magbabalik sa telebisyon ang mga GMA Telebabad hits na Onanay at Alyas Robin Hood.
Mapapanood pa rin ang Ika-6 na Na Utos, 2:30 pm, Lunes hanggang Sabado.
Susundan ito ng Onanay, 3:20 pm, Lunes hanggang Biyernes.
Ang unang season naman ng Alyas Robin Hood ang mapapanood tuwing 4:10 pm, Lunes hanggang Biyernes.
Laging tumutok sa GMA para sa inyong mga paboritong serye pati na sa patuloy na mga ulat tungkol sa COVID-19.