GMA Logo ethel booba disowns controversial Twitter account
What's Hot

What prompted Ethel Booba to disown "IamEthylGabison" Twitter account?

By Nherz Almo
Published April 11, 2020 10:16 AM PHT
Updated April 21, 2020 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

ethel booba disowns controversial Twitter account


Ethel Booba: "Wala akong pinagkakitaan kahit sino sa inyo."

Matapos ipaalam ni Ethel Booba sa publiko na fake ang kontrobersyal na Twitter account, na may username na "IamEthylGabison," ilang followers niya ang humingi ng paliwanag mula sa komedyana.

Ethel Booba claims Twitter account with 1.6M followers is fake

Isa na rito ang YouTube user na si Dan Lachica Jr., na nag-comment sa pinakahuling vlog ni Ethel sa naturang video-sharing website.

Matapos makuha ang atensyon ni Ethel, sinabi ng YouTube user, "Pwede kang makulong for massive fraud if you don't address the people you've profitted from!"

Sagot ni Ethel, "Profited yan ang sinasabi ko di kayo ang niloko ng fake account na yan pati ako ginamit.

Sa kasunod na pahayag ni Ethel, nagbanta siya na magsasampa ng kaukulang reklamo laban sa poser na gumamit ng kanyang pangalan sa Twitter.

Aniya, "Wala akong pinagkakitaan kahit sino sa inyo sumobra na lang ang panggamit niya pati current situation na meron tayo ginagawa nyang biro at ako ang nadadamay sue if you want that's what im gonna do pagkatapos ng quarantine papahanap ko kung sino man yang taong gumagamit sa name ko."

Diin pa ni Ethel, "I have a clean conscience [whatever] this persons intention its way beyond my control at sumobra na lang talaga siya."

Muling tinanong si Ethel ni Dan, "Pakipaliwanag din po na paano kayo nagamit [against your will ha] if you've promoted a book based on the activities on that Twitter account. Mahirap paniwalaan na nakapunta ka kung saan-saan and may 'threat' pala sa inyo."

Hindi na ito direktang sinagot ni Ethel. Sa halip, sabi niya, I'll make a vid regarding this to clarify lahat kung san sya nagsimula at lahat ng questions nyo ill answer one by one."

Matatandaan na noong 2016, ini-launch ang libro ni Ethel na #Charotism, na hango sa gay lingo na “charot” kung saan naging catchphrase niya sa nasabing Twitter account.

Kabilang sa laman ng libro ni Ethel ang mga pumatok na tweets ng Twitter user na si IamEthylGabison.

Ethel Booba verifies "@IamEthlyGabison" Twitter account as hers on previous KMJS interview

Samantala, sa bagong gawang Twitter account ni Ethel, ang @EthelBooba6, nag-tweet siya para sa mga katanungan tungkol sa kanyang pag-deny sa kontrobersyal na Twitter account.

Aniya, "drop all your questions here sasagutin ko sya sa vid ko sa yt channel ko real talk."


Sa ngayon ay wala pang naipo-produce na bagong vlog si Ethel sa kanyang YouTube channel.