What's Hot

DJ Loonyo, handa bang iwan ang dancing career para sa showbiz?

By Nherz Almo
Published April 11, 2020 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

DJ Loonyo to join showbiz


Pangarap daw ni DJ Loonyo ang magkaroon ng solo concert: "I claim it, solo concert, DJ Loonyo [in] Araneta. Di, joke lang. Why not, di ba?"

Kasunod ng mga viral dance videos sa Facebook, nagsimula na ring mag-vlog ang internet sensation si Rhemuel Lunio o mas kilala bilang DJ Loonyo.

Meet DJ Loonyo, the newest internet sensation

Sa una niyang vlog sa kanyang YouTube channel, sinagot ni DJ Loonyo ang ilang katanungan mula sa fans kabilang na ang pagsisimula niya bilang isang dancer, ang kanyang pananalig at paniniwala, skincare routine, at celebrity crushes.

Sa mga bandang huli ng kanyang vlog, tinanong si DJ Loonyo kung saan niya nakikita ang sarili pagkatapos ng limang taon.

Sabi ng kilalang Pinoy dancer ngayon, "Five years from now, as a CEO of FSD China. In five years, we already have 50 studios in China.

"Not only in China, mayroon na rin kaming branch sa other countries 'cause the main goal of FSD is to help a lot of Filipino dancers and help a lot of people na maging healthy sa utak.

"Alam mo 'yon, because the more you dance, the more you take funky classes, the more it affects your brain, the more it affects your life.

"Kung masaya ka sa utak, masaya ka sa puso, masaya ka sa buhay. That's our culture inside."

Kabilang din sa mga plano niya ang madala ang buong pamilya niya sa China at, siyempre, magkaroon din ng sariling pamilya.

Biro pa niya, "May isang basketball team na siguro ako n'on. Ang bilis naman."

Ayon kay DJ Loonyo, lubos ang pasasalamat niya sa pagiging viral ng kanyang dance videos.

Aniya, "Yung nangyayari ngayon na viral thing, it's blessing, it's an opportunity, it's a responsibility.

"It's how you handle it kung gaano mo aalagaan yun, paano magmu-multiply 'yon.

"Again, the goal is to inspire, bring a lot of possitivity and joy sa mga tao. My next move?

"Nakikita ko ngayon and I claim it, solo concert, DJ Loonyo [in] Araneta. Di, joke lang.

"Why not, di ba? Mangarap tayo nang malaki kasi ang intensiyon naman is to spread a lot of love, right?

"Ang baliw siguro ng gabing yun kapag nangyari yun."

May posibilidad kaya na iwan ni DJ Loonyo ang kanyang dancing career sa China para pasukin ang show business sa Pilipinas?

Sagot niya, "I don't know."

Kung siya raw ang papipiliin, ayaw niyang malihis sa kung ano ang ginagawa niya ngayon.

Sabi ni DJ Loonyo, "Again, I'm praying kung saan ako ilalagay ni God na platform para makapag-inspire pa.

"Ayaw kong kumuha ng job or anyhing na magtatanggal sa akin sa focus sa responsibility ko rito sa China.

"Then, ang effect niya selfish lang, para sa akin lang, for money or for fame, I don't like that."

Diin pa niya sa huli, "Ang gusto ko, if ever na tatanggap ako ng trabaho, in line siya sa kung ano yung naiisip ko or ano yung goal ko, yung mission in this world."

Panoorin ang kabuuan ng kanyang vlog dito: