
Umaasa si KC Concepcion na mapakinggan ang mga opinyon ng bawat Pilipino lalo na ngayong kinakaharap ng bansa ang COVID-19 pandemic.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni KC ang kanyang dasal na marinig ito ng ating mga leaders.
"So many of us have opinions about how this current crisis should be handled in our country. And I've been praying for our voices, as Filipinos, to be heard by our leaders."
Natutuwa umano si KC na sa paraan na ito makikita ang pakikipagtulungan ng bawat Pilipino.
"Nakakatuwa lang isipin na sa ganitong paraan, nakikita natin kung paano tayo pwedeng magtulungan sa panahong ito."
Papuri naman ang iniwan ni KC sa mga walang sawa na nagbibigay serbisyo para sa mga mamamayan.
Saad niya, "Ang dami ding NGO, LGU at essential workers na walang pagod na kumikilos at buong pusong humaharap sa pagsubok na ito.🤎"
Kasama rin umano sa dasal ni KC ang mga leaders sa buong mundo na gumagawa ng mga desisyon para sa nakararami.
"Let's continue praying for our leaders in the Philippines, and leaders all over the world, who need to make tough decisions during this time. 🇵🇭 We're in this together, world. xx, K."