
Dinepensahan ng mag-inang Sharon Cuneta at Frankie Pangilinan si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa isang basher na nagsabing mukhang unggoy raw ito.
Idinaan ni Frankie ang sagot niya sa isang larawan ng matandang naninikip ang dibdib habang si Sharon naman ay nanghihingi ng litrato para malaman kung may karapatan ba itong magsabi na mukhang “unggoy” ang kanyang asawa.
Ani Sharon, “Patingin naman ng pikchur mo. Ang tapang mo magsabi ng 'unggoy' e. Nakakahiya naman sa'yo kung kamukha mo si Brad Pitt o Angelina Jolie. Awww…”
Patingin naman ng pikchur mo. Tapang mo magsabi ng “unggoy” eh nakakahiya naman sayo kung kamukha mo si brad pitt o angelina jolie. Awwww...
-- Sharon Cuneta (@sharon_cuneta12) June 7, 2020
Meron din isang netizen na nag-reply sa post ni Frankie at sinabing, “Hindi ba dapat Kiko matsing?”
Prankang sagot ni Frankie, “Actually, dapat Kiko Pangilinan.”
actually dapat kiko pangilinan
-- kakie (@kakiep83) June 6, 2020
Maraming netizens naman ang humanga sa mag-ina sa patuloy nilang pagdepensa kay Kiko kaya naman umani ang reply nito ng maraming likes at retweets.
Komento pa ng isang fan, “Mega idol, karamihan po sa pintasera/pintasero ay mas malala itsura.”
Fake Accounts
Isa si Senator Kiko Pangilinan sa ilang mga taong nanghihingi ng tulong sa kanyang mga taga-suporta ukol sa kumakalat na fake accounts sa Facebook na gumagamit ng pangalan niya.
Ani Kiko sa isang statement kahapon, June 7, maaring gawa ito ng mga sumusuporta sa Anti-Terrorism Bill kaya target ng grupong ito ang mga estudyante at mga taong ayaw na ma-aprubahan ito.
“This morning, a scheme to create multiple fake Facebook accounts targeting those who oppose the anti-terrorism bill, especially college students, was discovered.
“Students are worried that these accounts may be used to plant bogus evidence that would implicate them in crimes outlined in the anti-terror bill.
“We demand that Facebook investigate this incident and find culprits behind it. We must not allow social media to be used as a platform for identity theft, intimidation, or worse, a tool to plant bogus evidence.”
Patuloy na inimbestigahan ng Facebook ang multiple fake accounts na kumakalat ngayon sa social media platform.
Ayon sa isang email statement ng Facebook sa GMA News Online, “We understand the concerns raised by our community in the Philippines. We're investigating reports of suspicious activity on our platform and taking action on any accounts that we find to be in violation of our policies.”
Frankie Pangilinan shares conversation with dad Kiko about Duterte's additional powers
Sharon Cuneta enumerates Senator Kiko Pangilinan's relief efforts to bashers