
Sa pagsisimula ng quarantine, kasabay nitong pumatok ang video sharing app na TikTok na talaga namang kinagiliwan ng marami.
Iba't ibang dance videos at challenges ang nagsulputan gamit ito at ang pinaka-latest, ang #LookALikeChallenge.
'Di tulad ng ibang challenges, na pagandahan ng creativity, ang kailangan dito ay magkaroon ng ka-lookalike na artista.
Isa sa mga sumubok niyan si Ian De La Peña, na naka-base ngayon sa Dubai.
At ang kamukha niya raw? Walang iba kundi si Centerstage host at Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Mula sa porma, style ng buhok at dimple, magkahawig na magkahawig sila ni Alden.
WATCH: Alden Richards, tinupad ang pangarap ng fan na makita siya
Sa eksklusibong panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho, sinabi niyang dahil sa lockdown sa Dubai kaya niya naisipang gawin ang #LookALikeChallenge sa TikTok featuring “Alden.”
“So far, nakaabot na siya ng 1.1 million views. 'Pag lumalabas ako, 'di ko in-expect na may mga taong nakakakilala sa 'kin.
"Medyo nakakahiya sa umpisa pero ngayon na-eenjoy ko naman. Siyempre, idol ko 'yun, e,” aniya.
Pero ang hindi niya inaasahan, sa kalagitnaan ng interview ay may nag-video bomb sa kanya at ito ay walang iba kundi ang nag-iisang Alden Richards!
Ano kaya ang naging reaksyon niya?
MUST-WATCH: Top 10 most viral stories of 'KMJS' this 2019!
Panoorin ang nakatutuwang pagkikita ng tinaguriang “TikTok look-alikes” sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: