GMA Logo ken chan
What's Hot

EXCLUSIVE: Ken Chan, binigyang-diin ang paggamit nang wasto ng social media

By Maine Aquino
Published June 16, 2020 5:46 PM PHT
Updated June 17, 2020 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan


Payo ni Ken Chan, "Huwag nating i-abuse 'yung paggamit ng social media."

Aminado si Ken Chan na maraming negative at positive effects ang social media sa mga gumagamit nito.

Kuwento ni Ken sa exclusive interview nito with GMANetwork.com, "Social media kasi, it's a very powerful tool especially ngayon sa mga millennials."

Pagsisimula ni Ken, nagiging negative ang epekto nito kapag ginagamit ito sa maling pamamaraan.

"Nagiging negative siya kasi kapag naa-abuse na natin ang paggamit nito."

Dagdag pa niya, "Once na nakapagsalita tayo ng masama sa kapwa natin using social media, ina-abuse na natin 'yung paggamit ng social media."

Ito umano ang rason kung bakit maraming tao ang nakakasakit ng damdamin ng ibang tao.

"Marami ngayon 'to. Marami akong nakikita na tao sa social media na nagsasalita ng hindi maganda.

"'Yung mga pangba-bash,'yung mga pangbu-bully sa ibang tao. Hindi lang po sa mga artista kundi sa ibang tao din po."

Madali umanong manghusga sa social media, pero hiling ni Ken ay sana 'wag itong gawin ng mga tao.

"Masyado nang madaling i-judge yung isang tao, e. Dapat 'wag po ganon, dapat gamitin natin ang social media sa magandang pamamaraan."

Sa advantage naman ng social media, ipinahayag ng Kapuso actor na naging tulay ito sa paghahatid ng tulong sa kapwa at mabilis na pagkuha ng impormasyon.

"Mas nagiging aware po tayo kung ano 'yung nangyayari sa paligid natin especially this pandemic times po. Madali po tayong nagtutulungan."

Binigyang-diin din ni Ken na kailangang maging mapanuri lalo na sa mga kumakalat na fake news.

Nais umano niyangpakiusapan ang mga tao na huwag magpakalat ng fake news dahil sa magdadala ito sa kapahamakan.

"Huwag po tayong mag-post ng mga fake news kasi nakakaapekto rin po ito sa ibang tao.

"Isa rin po 'tong way na makapangloko ng ibang tao. Panget ang resulta nito at the end of the day kasi naniniwala tayong mga maling bagay at maling sitwasyon."

Bago magtapos, pinayuhan ni Ken ang social media users na maging responsable sa paggamit nito at maghatid ng pagmamahal, kasiyahan at kaalaman sa kapwa.

"Ang mapapayo ko lang sa lahat ng gumagamit ng social media ngayon, at alam ko lahat po tayo ngayon ay gumagamit ng social media nowadays, huwag nating i-abuse 'yung paggamit ng social media.

"Gamitin natin ang social media para maka-inspire ng ibang tao. Let's spread love and let's spread happiness and let's spread words of wisdom through social media."

Ken Chan, hanga sa mga babaeng kayang maunang magpahayag ng kanilang nararamdaman

Ken Chan advises aspiring pet owners: 'Kailangan responsable tayo'